Sa simula’y isang pangarap na matayog at mahirap abutin, subalit dahil sa mga mapagpalang kamay ay nakamit at napagtagumpayan. Salamat sa mga panday na naging pundasyon ng lahat ng ito na tinatamasa natin ngayon. Ilan sa mga may busilak na puso na nagpasimula ng pagkakatatag ng paaralang ito ay walang iba kundi ang mga taong nagkaloob ng lupaing kintatayuan natin ngayon,-ang angkan ng mga ANDRES sa pangunguna ng noon ay punong bayan, Mayor MATIAS G. ANDRES. Kasama niya sa pagsusulong ng pagkakaroon ng paaralng ito ang buong lakas ng Sanguniang Bayan at ilan pang mga taong nangarap para sa ating mga anak, at dahil sama-sama, naisakatuparan ang pangarap na pagkakaroon ng paralan sa kabila ng mga suliranin, ang paaralan para sa mga mamamayan ng Sto.Domingo at karatig pook.
Ang pangalang JULIA ORTIZ LUIS ay hango sa pangalan ng ina ng noo’y gobernador ng Nueva Ecija na si Col.Juan O. Chioco, ito ay sa kasunduang itatayo noong una ang paaralan sa mga lupain ng mga Chioco. Mula sa kural ng mga kabayo ng pamilya Chioco na ang tawag ay Caballeriza,..inilipat ito sa lumang munisipyo…sa huli ay sa sabungan ng bayan,…at ngayon ay isa nang malaking paaralan na nakaagapay sa mabilis na pagtakbo ng hi-tech na panahon. Masalimuot ang kasaysayang pinagmulan, ngunit sa pagdaan ng panahon ay di natinag sa pagharap sa hamon ng edukasyon - ito ang JOLNHS, ang tahanan ng mga kabataang uhaw sa kalinangan, ang tahanang naging saksi sa pagbuo ng maraming mga pangarap.
Bagaman hindi naging madali sa simula lalo na sa mga aspetong pinansiyal, unti unting umusad sa pag-unlad ang paaralan. Tinahanan ito ng mga mag-aaral na nagmarka sa kasaysayan, katulad ngmga atletang sina Isaac Gomez, Inocencia“Mola”, Felipe De Leon, Valentin Ramos, Pedro Ramos, at Eugenio Valdez. Sila ay ilan lamang sa maraming mga manlalarong nagdala sa JOLNHS sa Athletic Map ngPilipinas dahil sa kanilang pagkapanalo sa kani-kanilang mga laro hindi lamang dito sa pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Ang mag mag-aaral na sina Ma.Rita Garces sa pagsulat ng editorial, Ivy Simbre sa photojournalism at Jayson Corpuz sa pagguhit ng editorial kartun ay nag-iwan naman ng makasaysayang ala-ala sa larangan ng Journalism sa buong Pilipinas dala ng kanilang pagkapanalo sa patimpalak pangrehiyong hanggang sa patimpalak pambansa.Samntalang si Jay Ar Mata ay nagpamalas ng kakaibang galling sa larangan ng matematika,dahilan upang hindi malimutan ang paaralang JOLNHS sa loob ng maraming taon. Sila ay ilan lamang sa mga buhay na patunay na ang mga mag-aaral ng JOLNHS ay nagtataglay ng World Class quality, at sa lahat ng laban, sila ay hahataw….papakyaw….at magwawagi……Ang pagbabagong anyo ng JOLNHS ay malinaw namang nasaksihan ng mga mamamayan ng Sto. Domingo. Ang pagkakamit nito ng titulo ng lupa ay naisaayos ng dating punong guro na si Gng Elvina Camacho sa tulong ni dating Board Member Ireneo De Leon na noon ay punong bayan. Naging dahilan ito upang mapagkalooban ng isang makabagong gusali ang JOLNHS, ito ay ang SEDP Building na ginagamit na ng maraming taon. Hindi naman malilimutan ang tulong ni dating Gobernador Tomas Joson III, sa pagkakaloob niya ng dalawa sa malalaking gusaling kasalukuyang tahanan ng mga mag-aaral, ito’y sa pamamagitan na rin ng dating punong bayan-Jimmy I. Domingo na kasama ring nagkaloob ng Multi-Purpose Gym na kinasisilungan natin ngayon. Bahagi ng pondo nito ay galling sa CDF ni dating Congresswoman Josie Joson. Ipinagkaloob ang bagong gusali at ang gymnasium sa ilalim ng pamumuno ng kasalukuyang punong guro na si Bb. Concepcion R. Quebral. Maituturing din na isang malaking hakbang tungo sa kaunlaran ang pagkakaroon ng paaralan ng kasarinlan o”fiscal autonomy’ na nakamit noong taong 1998 sa ilalim ng pamumuno ni G. Antonio D. Gante na noon ay punong guro ng paaralang ito. At ngayon sa pamumuno ng kasalukuyang punong guro, Bb. Concepcion R. Quebral, sa pangulo ng PTA, Gen Pacifico Lopez-De Leon, sa suporta ng butihing dating Mayor Jimmy I. Domingo at Mayor Marvin Pariñas, sampu ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, sa tulong ng ama ng baranggay Sagaba, Kapitan Daniel Flores, kami’y naniniwalang malayo pa ang mararating ng JOLNHS. Anuman ang maging balakid, patuloy itong lilipad sa paghubog ng mga kabataang nangangarap magtagumpay. Walang
alinlangang haharapin ng bawat Jolian ang pagsubok ng kinabukasan

No comments:
Post a Comment